Print Friendly and PDF

Alamat ng Bulkang Kanlaon

Alamat ng Bulkang Kanlaon

Ang mga taga-Negros sa Bisayas noong araw ay namumuhay na tiwasay at mariwasa. Ang pangalan ng kanilang hari ay Laon, isang taong may magandang kalooban. Ang mga tao roon ay nagsisigawa sa kanyang bukid at sila'y kahati sa ani.

Isang araw ay umuulan, at ang ulan ay lumakas ng lumakas hanggang sa bumaba sa bukid; anupa't ang tubig ay umapaw hanggang tuhod, at tumaas hanggang baywang, at nagpatuly ng paglaki hanggang liig.

Ang mga tao ay natigatig at naisip nila na masisira ang kanilang mga pananim.

Palibhasa'y mahal ng hari ang mga taoat naisip niyang nawala na ang aanihin huwag lamang mawala ang mga tao. Tinipon ng hari ang lahat ng kampon niya at sinabi, "Gumawa kayo ng mataas na bunton ng lupa." Sumagot ang mga kampon, "Kami po ay walang mga kasangkapan."

Iwinagayway ng hari ang kanyang birang at pagdaka'y nagkaroon na ngmga piko at pala.

Sinabi ng mga kampon, "Wala po kaming mga bato. Ang bunton po ng lupa ay kaylangan naliligiran ng mga bato."

Sa hulung wagyway ng birang ay nagkaroon na ng lahat ng kailangan.

Sa sikap at tiyaga ng mga kampon ay nagkaroon ng malaking bundok. Ang nagging taas ng taluktok ng bundok ay 6,000 talampakan. Duon sila tumahan hanggang sa humupa ang tubig. Nagpatuloy pa rin sila sa paggawa, nagsihukay sila ng bambang na tungo sa dagat upang siyang lagusan ng tubig ng sa gayon ay humupa ang tubig sa baha.

May isang malaking ahas na tumira sa bundok na yaon. Ang ahas ay may pitong ulong kakila-kilabot. Ang kulay ng mata ay luntian at ang ihinihinga ay kakatwa, na kung araw ay usok at kung gabi ay apoy.

Isang araw ay may dumating na isang binata na ang pangalan ay Kan. Siya'y makisig at mahiwaga. Nalalaman niya ang ligalig sa bayan at sinabi niya, "Papatayin ko ang ahas. Hindi ako natatakot."

Sinabi ng hari. "Patayin mo ang ahas at paglkakalooba kita ng mga gabok nag into at ang aking anak ay ipagkakaloob ko rin sayo upang maging asawa."

Inihanda ng binata ang plano sa pagpatay sa ahas. Dahil sa may kapangyarihan siya sa mga hayop, tinawag niya ang mga langgam at iniutos niya, "Magsigapang kayo sa buong katawan niya at inyong kagatin."

Tinawag niya ang mga putakti at iniutos niya sa kanila, "Pupugin ninyo ang kanyang mga mata hanggang sa mabulag."

Tinawag niya ang mga uwak at iniutos, "Inyong kamutin at tukain ang kanyang ulo at katawan hanggang sa mamatay."

Sila'y sumunod.Ang ahas ay kanilang napatay.

Pinugot ni Kan ang pitong ulo ng ahas. Ang mga ulong iyon ay inialay sa haring Laon, at mula noon ay matiwasay na namuhay muli ang mga taga-Negros. Ang binatang si Kan ay nagkamit ng yaman at napangasawa ang anak ng hari.

Inaalala ng mga taa roo ang binata at ang hari. Ang bundok ay pinangalanang Kan-Laon at ng magtagal ito'y nagging Kanlaon, bilang parangal kay Kan at Haring Laon.
Previous
Next Post »