Print Friendly and PDF

Alamat ng Igat

Alamat ng Igat

Ayon sa matatanda, ang mga isda noong unang panahon ay maa-aring makalakad sa lupa. Kapag ibig nilang mainitan ng araw ang kanilang mga balat ay umaahon sila sa buha-nginan at doon ay hinahayaang di-rekta silang tamaan ng sikat ng araw.

Isang isda na hindi na matandaan ang pangalan ang natutong umibig sa isang nilalang sa ibabaw ng lupa. Ito ay walang iba kungdi ang ahas.

Matikas ang anyo ng ahas kapag itinataas nito ang ulo. Makinis at makinang ang kanyang balat lalo at nasisikatan ng araw.

Sa mga nilalang naman ng dagat ay kilala sa pagkapilyo ang alimango. Mahilig ito sa pagpapares-pares ng mga isda na ang iba ay humahan-tong sa pagkakapangasawahan.

Isang araw ay nagkrus ang landas ng isda at ng ahas dahil sa alimango.

Napansin kasi ng alimango ang palihim na pagsulyap ng isda sa gumagapang na ahas. Gumawa ng paraan ang alimango para magkakilala sila. Iyon ang naging hudyat upang magkalapit ang loob ng dalawa at magkaibigan.

Nag-aral lumangoy ang ahas para madalaw ang isda. Minsan kasi ay hindi ito umaahon sa buhanginan kaya minabuti ng ahas na siya nalang ang pumunta sa kinaroroonan nito.

Marami ang nainggit sa kanilang pagmamahalan. Marami rin ang naawa sa kanila dahil alam nilang hindi maaaring magsama ang dalawa. Ang isda ay para sa dagat kung pa-anong ang ahas ay para sa lupa.

Isa pa ay mahigpit na ipinagbabawal ang pag-iibigan ng isang tagalupa at tagadagat. Tagubilin iyon ng diyosa sa karagatan at mahigpit na ipinatutupad.

Kung saka-sakali ay ang isda lang ang susuway sa utos dahil sa labis na pagmamahal sa ahas.

Ngunit walang nalilingid sa diyosa. Galit na galit ito nang malaman ang ginawang pagsuway ng kanyang nilalang.

Pinapili ng diyosa ang isda, ang minamahal na ahas o ang mabuhay ng payapa sa ilalim ng dagat.

Sa pagkabigla ng diyosa, pinili ng isda ang mabuhay sa piling ni ahas.

"Maaari ka lang umahon sa lupa pero hindi ka maaaring doon tumira!" ang sabi ng diyosa. "Gusto mo ba ang mamatay?"

"Mas gugustuhin ko pong mamatay na kasama si ahas," anang isda.

Noon din ay umahon ang isda at nagtungo sa lupa. Nakisama siya kay ahas. Buntis na siya at malapit nang magsilang nang maramdaman ang unti-unting pagkaubos ng hininga. Naramdaman niyang malapit na ang kanyang katapusan. Sa awa sa isisilang ay pinilit pumunta ng isda sa dagat. Doon na siya namatay. Ang igat ang naging bunga ng pagma-mahalan ng isda at ng ahas.
Previous
Next Post »