Print Friendly and PDF

Namatay Para sa Bayan

Namatay Para sa BayanMaikling Kwento: Namatay Para sa Bayan


Nakadaupang-palad ni Gregorio del Pilar ang magandang anak ni Don Mariano na si Remedios at humantong sa pagmamahalan. Hiningi ni Gregorio sa ama ng dalaga ang kamay ni Remedios at ang pahintulot nama'y nakamtan ng binata. Subalit sa gabi ng pagdiriwang upang ipaalam sa madla ang pag-iisang-dibdib nila, siyang pagdating ng utos ng Heneralisimo Aguinaldo na nag-aatas kay del Pilar na antalahin ang pagtugis sa kanya ng mga Amerikano hanggang sa siya'y makarating sa Palanan.


Ang magsing-ibig ay nagkaniig sa isang silid sa kainitan ng kasayahan. Ito ang kanilang usapan:


Gregorio: Hindi na kailangang ipaliwanag ko sa iyo ang gagawin kong paghadlang sa mga kaaway. Sapat na ang sabihin kong mahalaga iyan sa ating kaligayahan. Dahil diyan kaya walang katiyakan ang ating pag-iisang dibdib.


Remedios: Hindi ako mawawalan ng pag-asa. Sasama ako sa iyo sa larangan!


Gregorio: Huwag, para na ring ikaw ay kapiling ko! Dahil sa pagtatanggol sa sariling bayan, handa akong magpakasakit. Itinataya ko nang lahat, pati na ang ating kaligayahan.


Remedios: Huwag kang mag-alaala. Marunong ang Diyos. Huwag kang mabahala. Magdasal kang lagi. Baunin mo ang kuwintas at medalyong ibinigay ko. Ipagsasanggalang ka sa panganib.


Sinunod ni del Pilar ang utos ni Aguinaldo. Sa kabila ng kasayahan ay iniwan ng binata ang kanyang kasintahan upang tugunin ang tawag ng tungkulin.


Ipinakilala niya na higit na matimbang ang pag-ibig sa bayan kaysa sariling kapakanan. Ang pananalig ni Remedios at ang kanyang tapang ng loob ay sintibay ng kay Gregorio.


Si Gregorio ay nasawi sa kamay ng mga kaaway. Ang natupad lamang sa pangarap ni Remedios ay ang pagbibisita sa Pasong Tirad na kinalugmukan ng kanyang bayani.


Sa lapida ng puntod ng libing ay binasa ni Remedios ang mga titik:
Heneral Gregorio del Pilar
Namatay sa labanan
ng Pasong Tirad
Ika-2 ng Disyembre, 1899
Pinuno ng huling pangkat
ni Aguinaldo
Isang Pinuno at Maginoo.

Previous
Next Post »