Print Friendly and PDF

Si Apollo, si Aurora, at si Clytie

Si Apollo, si Aurora, at si ClytieMaikling Kwento: Si Apollo, si Aurora, at si Clytie


May isang mahalagang katungkulan si Apollo ang diyos ng araw. Tuwing umaga ay sumasakay siya sa kanyang gintong karuwahe at tangang mahigpit ang riyenda ng mga kabayo ay naglalakbay siya nang buong maghapon. Sa katapusan ay pumapasok siya sa tarangkahan ng kanluran.


Si Aurora ay diyosa ng bukang-liwayway. Siya ang nagbubukas ng pinto sa silangan at humahawi ng itim na kurtina ng gabi, nagtataboy sa mga bituin upang maging handa ang lahat sa pagdating ni Apollo.


Laking lungkot ni Aurora nang ang isa sa kanyang mga anak ay namatay. Umiyak siya nang umiyak. Tuwing madaling araw habang ginagampanan niya ang kanyang katungkulan ay pumapatak ang kanyang luha na parang, butil ng kristal sa damuhan.


Si Clytie ay isang masayang nimpa sa tubig. Nang makita niya si Apollo ay inibig niya ito. Ngunit hindi siya pansin ni Apollo. Mula umaga hanggang sa dumilim ay tinatanaw ni Clytie ang kinahihibangan niyang si Apollo. Sinusundan niya ng tanaw ang paglalakbay ni Apollo.


Dahil sa awa sa kanya ng isang diyosa ay ginawa siya ng isang bulaklak na laging nakatanaw sa liwanag ni Apollo. Pagsapit ng dilim at wala na si Apollo siya ay napapatungo at nalulumbay.


Hango sa kuwento ni L. Salvador

Previous
Next Post »