Print Friendly and PDF

Alamat ng Kaymito

Alamat ng Kaymito

Sa isang mlayong bayan sa Cavite ay may mag-asawang labis na hinahangan ng mga kapitbahay. Sila ay ang mga-asawang Mito at Kayang . 

Ang mag-asawa ay walang anak.Gayunman ay maligaya ang kanilang pagsasama sapagkat tapat silang nagmamahalan. 

Dahil walang mga anak, naging malapit ang mag-asawa sa mga bata sa kanilang lugar. Kapag may napapadaang mga bata sa kanilang lugar ay binibigyan nila ng mga prutas ang mga ito. 

Dahil doon ay nawili sa kanila ang mga bata kaya araw-araw ay may nagpupuntahang mga bata sa kanila.   

Ang kanilang lugar ay nasa tabi isang maluwang na batis. Tumataas ang tubig noon kapag bumabagyo. Madalas nagsisilikas ang mga tao doon kapag may napapabalitang dumarating na malakas na bagyo. May tulay na kawayan na siyang tawiran ng lahat sa batis.   

Isang araw may napapabalitang may parating na bagyo,malakas ang bagyo. Katatapos lamang ng mahabang tag- araw na halos tumuyo sa batis. Kaya kahit sinasabing malakas ang bagyong darating ay iilang pamilya lamang ang lumikas sa mataas na lugar. Inakala ng mga tao na hindi naman tataas ang tubig sa batis dahil halos matuyo na nga iyon.  

Malakas pala ang bagyo. Nang dumating ito ay walang hinto ang buhos ng malakas na ulan. Napansin ng mag-asawang Kayang at Mito na mabilis ang pagtaas ng tubig sa batis kaya sinabihan nila ang kanilang mga kapitbahay na lumikas na.   

Nagsitalima sila. Sa kasagsagan ng bagyo ay nag-alisan lahat. Tumulong ang mag-asawa sa mga bata at matatandang tumawid sa tulay na kawayan.   

Nang silang mag-asawa na lang ang naiwan sa tulay ay bigla nawasak iyon dahil sa malakas na agos ng tubig.   

Nahulog sa tubig si Kayang at mabilis na inanod. Kahit alam niyang mapanganib ay tumalon sa tubig si Mito para iligtas ang asawa ngunit pati siya ay inanod din ng mabilis na agos.   

Nagipuspos ang mga taong itinawid nila sa tulay dahil sa kanilang sinapit. Nang umalis na ang bagyo at nagbalik sa normal ang tubig sa batis ay hindi na natagpuan pa ang mag-asawa. Maraming nagsasabing inanod na ang mga ito sa malayong lugar. Ngunit pagkaraan ng ilang araw ay nakakita ang mga ito ng isang bagong halamang tumutubo sa bakuran ng mag-asawa. Lumaki at naging mayabong na puno ang halaman. Namunga iyon ng maraming mga bilog na bunga na ubod ng tamis.   

Kasingtamis raw iyon ng pagmamahalan nina Kayang at Mito, sabi ng isang matanda. Ang lalaki ay natulungang itawid ng mag-asawa sa tulay noong kasagsagan na ng bagyo. Dahil doon ay tinawag nila ang bungang iyon na Kayangmito bilang pag-alala sa mag   
asawang naging napakabuti sa kanilang lahat.   

Ang kayangmito ay naging   Kaymito   kalaunan.
Previous
Next Post »