Print Friendly and PDF

Alamat ng Pinya - Third Version

Alamat ng Pinya - Third Version

Noong unang panahon, may mag-asawang nagngangalang Emilio atMarcela. Sila ay may anak na dalagang ang pangalan ay Rufina. Si Rufina aylubhang pinalaki sa layaw ng kanyang ama kaya't siya na lamang ang nagigingdahilan ng pag-aaway ng mag-asawa.
Si Rufina ay walang nais gawin kundi humarap sa salamin atmag-ayos ng mukha o kaya'y magtungo sa halamanan at magmasid ng mga bulaklak.Wala siyang hilig sa pag-aayos ng bahay, at kung siya naman ay inuutusan ngkanyang ina ito ay walang matanggap na kasiyahan sa kanyang pag-uutos.

Isang araw, si Aling Sela at si Mang Milyo ay nagkasagutangmabuti tungkol kay Rufina.
"Talagang hindi ko na malaman kung paano ang gagawin koupang maturuan ng wastong pamamahay iyang si Rufina," ang nagagalit nawika ni Aling Sela.

"Bakit mo pinaghihirap ang loob?" ang tanong namanni Mang. Milyo. "Hindi ba't tayo'y may mga alila? Bakit hindi sila angutusan mo kung mayroon kang ibig ipagawa? Bakit si Rufina ang pinipilit monggumawa ng mga bagay na dapat gawin ng mga alila?"

Si Aling Sela ay lalong nagalit.

"Paano ko nga ba matuturuan iyang anak mo ng pagkababaeay sa ikaw ang una-unang nagpapalala? Matuturuan ba iyan ng kahit na ano sapinababayaan mong magkasungay?" ang galit na wika ni Aling Sela.

"Huwag kang magalit," ang amo ni Mang Milyo."Ang sinasabi ko lamang ay hindi mo dapat ipagawa kay Rufina ang mga bagayna dapat gawin ng mga alila sapagka't tayo'y bumabayad sa alila upang maygumawa ng mga bagay na iyan."

"Ang ibig mong sabihin ay wala nang matutuhan angbatang iyan sapagka't tayo'y may mga alila?" ang tanong ni Aling Sela.

"Iyan ang ibig kong sabihin kanina pa," sang-ayonni Mang Milyo.

"At kung tayo'y wala nang kaya sa pagbabayad ng mgaalila?" ang patuloy na usisa ni Aling Sela.

"A, hindi maaari iyon sapagkat tayo naman aymayaman," ang sagot ni Mang Milyo.

Ang sagot ni Mang Milyo ay lalong nagpagalit kay Aling Sela.

"Hindi ako nagtatakang ang anak mo aymagkasungay!" ang naginginig ang katawang sigaw ni Aling Sela."Ngayon lamang ako nakakita ng magulang na kagaya mo. Lumayas kariyan!"

Upang hindi na lumala pa ang usapan, si Mang Milyo ay nanaogng bahay. Minarapat niya ang mamasyal-masyal muna at kung malamig na ang ulo niAling Sela ay saka na siya babalik.

Si Aling Sela naman ay nakaisip manulsi at nang makalimutanniya ang mga pinagsasabi sa kanya ni Mang Milyo.

"Rufina!" ang tawag ni Aling Sela. "Kunin monga ang kahon ko ng karayom at sinulid at ako'y manunulsi."

Si Rufina na noon pala ay nakaharap sa salamin at nag-aayos ng mukha ay noon pa lamang sumagot.


"Sandali na lamang po. Matatapos na ako."

Si Aling Sela ay nagpigil ng galit. Hindi niya ibig nalumala pa ang kanyang kagalitan.

"Ano ba? Hindi ka pa ba tapos?"ang usisa ni AlingSela pagkaraan ng ilang sandali. "Magdala ka ng kahon ng karayom atsinulid."

Naghintay pang muli si Aling Sela bago dumating si Rufina sakanyang silid. At nang dumating ito ay walang dalang kahon.

"Wala po akong makitang kahon ng karayom atsinulid," ang pahayag ni Rufina.

"Wala kang makita e naroon lamang ang kahon sa mesamo?"ang pagtatakang tanong ni Aling Sela.

"Sinabi ko na po sa inyong wala akong makita, e,"ang pagalit na tugon no Rufina.

"Bakit wala ka bang mga mata? Wala ka bang nakikitakundi ang isinusurot sa mga mata mo?" ang pagalit na ring usisa ni AlingSelya.

Si Rufina na noon ay lumabas na ng silid at patungonghalamanan ay sumagot nang pasigaw:

"Opo, wala po akong nakikita kundi ang isinusurot samga mata ko."

Ang galit ni Aling Sela ay hindi na napigilan. Nakita niyangsi Rufina ay nasa halamanan na at nagmamasid na naman sa mga bulaklak.

"Diyos ko! Bakit hindi Mo pa po gawing reyna ng mgahalaman ang anak ko nang hindi na niya ako nilalapastangan? Bakit hindi Mo papo siya gawing isang halamang may sandaang mata!"

Noon din ay nawala sa kinatatayuan si Rufina. Si Aling Selana dali-daling nanaog upang magsiyasat sa nangyari ay walang nakitang bakas ngkanyang anak saan man siya bumaling. Ngunit sa tinayuan ni Rufina ay nakitaniya ang isang bagong halaman. Ang halamang iyon ay may mahahabang dahongmaraming tinik at sa gitna ng mga dahon ay may bungang malaking tila may koronasa ibabaw. Anong himala! Ang bungang iyon ay ligid ng kayraming mga mata!
Previous
Next Post »