Noong araw may mag-asawa
na hindi magkaanak.
Kaya ang kanilang ginawa
ay kumuha ng isang
katulong. Masuerte naman
ang mag-asawa dahil ang
nakuha nilang katulong ay
mabait at marunong mag-malasakit,
at bata pa.
Isang hapon ay may
nagtangkang pumasok sa
bahay ng mag-asawa upang
magnakaw pero hindi
nakapasok dahil nakita
ng kanilang katulong.
Kinabukasan habang sila ay
nasa palengke, meron namang
isang holdaper, ang tinutukan
ay ang mag-asawa.
Ipinagtanggol uli sila ng
kanilang katulong. Tuwang-
tuwa ang mag-asawa, dahil
naipag-tanggol uli sila ng
kanilang katulong.
Kaya naman pag-uwi ng mag-asawa,
ay pinag-usapan nila na ituring
nila na parang anak nila ang
katulong.
"Ituring na lang natin siya
na bataan, ang ibig sabihin
ay may malasakit na katulong o
tagapangtanggol," ang sabi ng
matandang lalaki.
Isang pagkakataon naman na dito
sa lalawigan ng bataan ipinadala
ang ating mga batang-bata na
mga kawal upang sagipin ang
ating demokrasya sa malulupit
at manlulupig na mga hapon.
Ito ang alamat ng BATAAN.
Sign up here with your email

ConversionConversion EmoticonEmoticon