Noong araw ang lalawigan ng Rizal ay
puro damo kaya naman maraming taga
rito ang may alaga na kabayo na ginagamit
nila sa pangungutsero.
Minsang habang nangunguha o nanga-
ngate ng damo ang isang kutsero ay may
isang dayuhang amirikano ang na padaan
at tinatanong kung ano ang lugar na ito
hindi naman naunawaan ng kutsero ang
tinatanong ng dayuhan.Kaya hindi niya
ito masagot.
Nagkataon namang nangangati siya
sa dami ng hawak niyang mga damo.
Kaya nasambit niya ang salitang "Makati."
ang akala ng dayuhan ay sinagot siya ng
kutsero kaya naman nagpasalamat pa
siya bago umalis.
Kaya ng umuwi siya lahat ng kanyang
makausap ang sinasabi niya galing siya
sa Makati, magmula noon, Makati na ang
tawag sa pinakamayamang bayan ng Rizal,
at pati damo para sa kabayo ay nakau-
galiang tawagin ng MAKATI.
Sign up here with your email
ConversionConversion EmoticonEmoticon