Print Friendly and PDF

Ang Bulaklak

Ang Bulaklak

Ang BulaklakSa mayamang lupa mayroong sumilip Na
halamang lunti't anong pagkaliit,
Pilit tumataas at nais mabatid Ang
ano at dahil ng munting daigdig.

Hindi nga naglaon at naging malusog
Lumaki at saka nagkabukong lubos...
Bukong di maabot ng araw at unos
At himbing na himbing sa pagkakatulog.

Ngunit napasok din ng sinag ng araw
Ang tulog na buko at saka pinukaw,
Binating masigla at pinagsabihang
Gumising at masdan ang lupang ibabaw.

Kaya't munting buko dito'y napahantad
Sa init ng araw ay kukurap-kurap,
Nakita ang langit na napakalawak
At mga naglipad na mga kulisap.

Hinagkan ng hangin ang mga talulot
At sa pagbukadkad ay agad nagsabog
Ng bangong matamis sa buong palibot
Bangong sinisinta ng mga bubuyog.
Previous
Next Post »