Print Friendly and PDF

Ang Kasipagan Sa Tahanan Nagmumula

Ang Kasipagan Sa Tahanan Nagmumula

Ang Kasipagan Sa Tahanan NagmumulaAng pagtulong sa tahanan ay di dapat ikahiya
Ng lahat ng mag-aaral, maging mayaman at dukha;
Ang mag-ayos ng halaman, ang maglaba't mangusina,
Ang maglinis ng tahanan ay isang mabuting gawa.

Ang utos ng ama't ina ay sundin nang buong tamis,
Ang pagsuway at pagdabog sa matanda'y sadyang pangit;
Ang gawaing malalaki ay hatiin nang lumiit,
At sa lahat ng gagawin, paghariin ang pag-ibig.

Yaong pagkamasunuri'y ating pakikinabangan,
Ngunit ang pagkasuwail ay ating pagdurusahan;
Kaya't dinggin ang payo ko, kayong mga mag-aaral,
"Pagpapalain ng Diyos ang tumulong sa tahanan."
Previous
Next Post »