Print Friendly and PDF

Ang Tulay Na Kahoy

Ang Tulay Na Kahoy

Ang Tulay Na KahoyIbig kong marating ang kabilang lupa -
Kung saan may puno't magagandang bata,
Kung saan ang ilog ay puno ng isda,
At pawang may ngiti ang lahat ng mukha.

Subali't kay lawak nitong karagatan,
Lalanguyin ko ba? O, kay hirap naman;
O sa bangka kaya, ako'y mananagwan,
Kung ako ay ibon, liliparin ko lang.

Aba, ano iyong aking nakikita?
Tila may lunas na itong aking dusa -
Iyon ba ay tulay? Oo, tulay na nga,
Tatawid na ako sa kabilang lupa.
Previous
Next Post »