Print Friendly and PDF

Hangin Sa Madaling-araw

Hangin Sa Madaling-araw

Hangin Sa Madaling-arawPagaspas ng hangin ay may dalang himig
Tumatawag ngayon sa buong paligid,
Kahit madilim pa'y ipinababatid
Hindi magtatagal umaga'y sasapit.

Ang bulong ng dahon ay maririnig
Na sinasaliwan ng awit ng pipit,
Sa dako pa roon, lagaslas ng batis
Ay inuudyukan ng hanging malamig.

Umawit ang ibon, ang hangi'y sumigla
Sa lahat ng dako'y pilit nagpadama,
Walang di tinungo, walang di tinugpa
Gumala't nagbadya ng bagong umaga.

Nalalabing sinag ng buwa'y nawala
Lumigpit ding lahat nagsungaw na tala
Sa utos ng hangin sila ay nagbadya
Ng pamamaalam na lipos ng tuwa.

Tungkulin ng hangin sa madaling-araw
Ay natupad na nga't araw ay sumilang,
Lahat ay abala't may lakas na taglay
Na dala ng hanging ang ihip ay buhay.
Previous
Next Post »