Print Friendly and PDF

Kagandahan

Kagandahan

KagandahanKagandahan ay namamasid
Sa araw na mainit
Mga puno, ibon sa himpapawid
Tumutubong mais, gumagawang bisig
O sayawan kung tag-ani'y sumasapit.

Kagandahan ay naririnig
Sa gabing pusikit
Ulang pumapatak, hanging umiihip
Dili kaya'y isang mang-aawit
Kahit anong ingay sa paligid-ligid.

Kagandaha'y taglay sa sarili,
Masayang katoto, gawai'y mabuti,
Nauulit ang mga nangyari
Sa iyong gawain, sa pangarap ngani,
At sa iyong pagdidili-dili.
Previous
Next Post »