Panatag ang iyong diwa't kalooban:
Di mo kakilala ang gutom at uhaw,
Malayo sa lungkot at kapighatian...
Ang buong maghapo'y tuwang di-matapos,
Sa piling ng iyong kababayang irog;
Walang agam-agam, maging sa pagtulog;
Magandang palad mo'y halamang malusog...
Maging dampa yata ang iyong tahanan
Sa lupang saliri'y langit ang kabagay,
Kung hitik sa bunga ng mga halaman,
Kung busog sa lingap ng pagmamahalan.
Sign up here with your email

ConversionConversion EmoticonEmoticon