Ang Batang Ibon na Matigas Ang Ulo
Ang ulilang pugad ay galaw ng galaw. May isang inakay doon na gustong lumipad.
Dumating ang inang ibon na may dalang pagkain
"Ayoko ng pagkain! Ang gusto ko ay makalipad!" pagmamaktol ng inakay.
"Aba anak, wala ka pang pakpak! Mura pa ang iyong bagwis kaya huwag kang pangahas," payo ng Ina.
"Inip na inip na ako! Gusto kong tumulad sa ibang ibong nasa himpapawid na." sabi ng matigas na ulong inakay.
"Huwag kang mainggit. Maghintay ka ng tamang panahon. Pagsapit ng araw ay makakalipad ka rin."
Muling umalis ang ina para maghanap ng pagkain. Ang matinding inggit ng batang ibon ay muling umiral nang makakita ng mga ibong lumilipad.
Nangahas siyang lumipad sa paniniwalang sapat na ang lakas ng kanyang mga pakpak. Tumingala siya at may kasiyahang lumundag sa himpapawid.
Sa halip makalipad, ang pangahas na inakay ay lumagpak sa lupa. Nabali ang mura pa niyang pakpak.
Noon niya nagunita ang pangaral ng kanyang ina.
"Maghintay ka sa tamang panahon at maliit pa ang iyong mga pakpak."
Aaral:
Dapat sumunod ang anak sa payo ng magulang.
Walang magulang na ibig mapahamak ang kanyang anak.
Sign up here with your email
ConversionConversion EmoticonEmoticon