Print Friendly and PDF

Ang Buriko At Ang Masayahing Aso

Ang Buriko At Ang Masayahing Aso

Ang Buriko At Ang Masayahing AsoMay isang magsasaka na masayang gumising isang umaga. Dinalaw niya ang kanyang kuwadra sa bukid para mabigyan ng darak ang mga buriko.

Hindi maiwan ng magsasaka ang masayahing aso sa loob ng kuwadra. Masaya kasi itong nagsasayaw at patawa-tawa pa.

Inggit na inggit si Buriko sa aso. Paano ay kinukulong pa ito ng kanyang amo.

Naisipan ni Buriko na kailangan rin niyang maging masaya. Total ay marunong siyang sumayaw.

"Hindi ako papayag na ang nagagawa niya ay hindi ko maaaring gawin," pabulong na wika ni Buriko

Nagpakitang gilas ang mainggiting buriko. Lumabas siya sa kulungan at kumendeng-kendeng.

Umikot siya ng marahan at sumayaw na katulad ng aso. Ang masayahing magsasaka ay tuwang-tuwa na nakamasid sa dalawang hayop.

Matapos ang pagpapakitang gilas sa pagsayaw, inakala ng buriko na maari na siyang kumandong sa amo.

Nilapitan niya ang amo. Nagpakandong siya rito. Ang hindi niya alam ay napakabigat niya kaya halos mabali ang hita ng lalaki.

Napasigaw ito sa sakit. Nagdatingan ang mga tao at pinagpapalo siya. Nang mahimasmasan ang buriko ay napaiyak ito.

'Bakit ganoon, hindi niya ako mahal?'

Aral: Walang buting idudulot ang inggit.
Previous
Next Post »