Ang Madaldal na Pagong
Isang umagang maganda ang panahon ay nagkita-kita ang magkakaibigan sa sapa, Sina Inang gansa,
Amang gansa at Madaldal na pagong. Sila’y nagkwentuhan ng kung anu-anong bagay hanggang sa magpaalam ang dalawang gansa na sila’y uuwi na.
Naisipan ng Pagong na nais niyang sumama sa tahanan ng mga gansa. “Bakit hindi ninyo ako isama sa inyong tahanan? Nais kong sumama!”
“Ngunit wala kang pakpak Pagong. Paano ka makakalipad papunta sa aming tahanan?” sabi ni Inang Gansa.
Nag-isip ang tatlo ng paraan kung paano makakasama si Madaldal na Pagong.
“Alam ko na!” sabi ni Amang Pagong. “Kukuha tayo ng kahoy na maari nating kagating tatlo. Kakagatin namin ni Inang gansa ang magkabilang dulo at ikaw ay kakagat sa bandang gitna at sabay kaming lilipad.
Sa ganoong paraan ay makapupunta ka sa aming tahanan. Ngunit lagi mong tatandaan, huwag na huwag kang magsasalita kundi ika’y mahuhulog sa lupa.”
“Pangako, tatandaan ko!” anang Pagong.
Napangiti si Pagong sa ideya at dali-daling humanap ng kahoy. Maya-maya pa ay lumipad na ang dalawang gansa bitbit ang madaldal na Pagong.
Labis na natuwa ang Pagong dahil sa bagong tanawin na kanyang nakikita.. Maya-maya ay nagtumpukan ang mga bata sa ibaba at sinisigaw ang kanilang pagkamangha sa nakikita.
“Ang galing ng Pagong! Siya’y lumilipad! Ang galing!” sigaw ng mga bata.
Labis na natuwa ang Pagong at naisipan niyang magyabang sa mga bata.
“Ako ang Dakilang Pago—“
Hindi na naituloy ng pagong ang kanyang sasabihin dahil nahulog siya mula sa pagkakakagat sa kahoy.
Lumagpak siya sa lupa at sising-sisi,dahil sa pagmamayabang ay nahulog siya at di nakasama sa mag-asawang gansa.
Aral: Ang Pangako ay dapat tinutupad. Kahit na anong tagumpay mo, kung paiiralin mo ang kayabangan ay wala kang mararating.
Sign up here with your email
ConversionConversion EmoticonEmoticon