Print Friendly and PDF

Ferdinand Marcos

Ferdinand Marcos


Ang ikaanim na pangulo ng Republika ng Pilipinas (Disyembre 30. 1965 -Pebrero 25, 1986)


Isinilang Setyembre 11, 1917 sa Sarrat Ilocos Norte
Mga magulang: Mariano Marcos at Josefa Edralin
Asawa: Imelda Marcos
Namatay: Setyembre 28, 1989 sa Honolulu Hawaii


Ferdinand MarcosSi Ferdinand Emmanuel E. Marcos ay ang ika-sampung pangulo ng Republika ng Pilipinas. Nanilbihan siya bilang pangulo mula 1965 hanggang 1986. Siya ang natatanging pangulo ng Pilipinas na nagsilbi sa kanyang tanggapan ng mahigit sa dalawampung taon. Dalawang beses siyang tumakbo at nagwagi bilang pangulo ng bansa bago ang pagdedeklara ng Batas Militar noong 1972. Muli siyang nagwagi sa eleksyon ng pagkapangulo noong 1981 at sa 1986 Snap Presidential Elections, ngunit ang malawakang protesta na kilala sa tawag na "1986 People Power Revolution" ang puwersang humila sa kanya na bumaba sa pwesto noong 1986.


Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos ay ipinanganak sa Sarrat, sa lalawigan ng Ilocos Norte sa hilagang-kanlurang bahagi ng Luzon. Siya ay panganay na anak nina Mariano Marcos, isang pulitiko, at Josefa Edralin, isang guro. Noong 1935 na halalan, ang katunggali ng kaniyang ama sa pulitika na si Julio Nalundasan ay pinatay makaraang manalo bilang kinatawan ng Ilocos Norte. Inaaresto siya noong 1938 kaugnay sa pagkakasangkot sa pagpatay, ngunit matagumpay niyang naipetisyon sa Korte Suprema ang kaniyang pansamantalang paglaya upang matapos ang kaniyang pag-aaral. Noong 1939 ay nagtapos siya ng Abugasya sa Unibersidad ng Pilipinas at nakapasa sa Bar Exam na may mataas na grado. Bago matapos ang taong iyon, siya ay napatunayang nagkasala at sinintensiyahang makulong ng hanggang 10 taon. Habang nasa kulungan ay sumulat siya ng apela, at noong 1940 ay hinawakan niya ang sariling kaso sa harap ng huwes na si Jose P. Laurel, na siyang nagpawalang sala sa kaniya.


Mula sa simula nang panunungkulan ni Marcos bilang pangulo, tumindi ang pagkakasangkot ng Estados Unidos sa digmaan sa Vietnam. Naglagay ng dalawang base ng militar ang Estados Unidos sa Pilipinas. Ang mga ito ay ang Clark Air Base at Subic Bay Naval Base. Ang digmaan na ito ang nagpasok ng bilyun-bilyong dolyar sa ekonomiya ng Pilipinas. Maraming proyekto ang pinondohan ng mga dayuhang nagpapautang, na naging malaking tulong sa pag-unlad ng ekonomiya. Noong 1969, makaraang mangampanya gamit ang islogan na "Bigas at Daan," muling nanalong pangulo si Marcos na nakakuha ng 74 porsiyentong boto. Siya ang kauna-unahang pangulo na nanalo sa ikalawang termino, na pinahihintulutan ng konstitusyon. Maging ang mga nanalong senador at kinatawan ay nanggaling sa Partido Nasyonal, na kaniya ring partido.


Noong 22 Pebrero, 1986, dalawa sa matataas na opisyal ng militar ni Marcos ang nagbitiw ng suporta sa kaniya. Naglunsad ng rebelyon ang kalihim ng Tagapagtanggol na si Juan Ponce Enrile at si Fidel V. Ramos, Ikalawang Hepe de Estado Mayor at inagaw ang dalawang kampo ng militar. Ang rebelyong ito ang naging hamon kay Marcos at sa kaniyang pinsan na si Fabian Ver, Chief of Staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, na tapatan ito nang matinding puwersa. Sa tulong ng pananawagan ni Kardenal Jaime L. Sin sa taong bayan, nagdagsaan ang mga tao sa dalawang kampo ng militar upang harangan ang mga tangke ni Ver. Apat na araw pinalibutan ng mga tao ang mga kampo na kinalululanan ni Enrile at ng kaniyang mga kasama. Ito ay upang mapigil ang paglalaban ng puwersa ng mga rebeldeng militar at ng mga loyalista ni Marcos. Walang nagawa ang mga tropa ni Marcos sapagkat hindi nila maaaring saktan ang libu-libong mga tao.


Sa kabila ng mga kaganapan ay iginigiit pa rin ni Marcos na siya ay mapasinayahan na sa simple at pribadong seremonyas noong 25 Pebrero. Noong sumunod na araw, ang pamilyang Marcos at ang mga taong malalapit sa kanila ay lumipad patungong Hawaii lulan ng sasakyang panghimpapawid ng Estados Unidos. Hinirang naman si Corazon Aquino bilang pangulo ng Pilipinas na siyang nagbunsod sa kanya bilang kauna-unahang babaeng pangulo ng bansa.


Nanatili si Marcos sa Hawaii hanggang sa siya ay pumanaw noong 1989.

Previous
Next Post »