Ramon Magsaysay
Ang ikatlong pangulo ng Republika ng Pilipinas (Disyembre 1953-Marso 17, 1957)
Isinilang: Agosto 31, 1907 sa Iba, Zambales
Mga magulang: Exequiel Magsaysay at Perfecta de Fierro
Asawa: Luz Banzon
Namatay: Marso 17, 1957 ang kanyang sinasakyang eroplanong patungo Maynila ay bumagsak sa bundok Manunggal sa Cebu.
Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramón "Monching" Magsaysay (Agosto 31, 1907 – Marso 17, 1957) ay ang ikapitong Pangulong Republika ng Pilipinas (Disyembre 30, 1953-Marso 17, 1957).
Si Magsaysay ay isinilang sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas at Jose Rizal College.
Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago magkadigma. Nang bumagsak ang Bataan inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at Pinalaya ng pwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong Enero 26, 1945. Noong 1950, bilang kalihim ng Pagtatanggol kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng republika. Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.
Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".
Siya ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng pamahalaan. Subalit nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan sa isang bundok sa Manunggal, Cebu noong Marso 17, 1957.
Sign up here with your email
ConversionConversion EmoticonEmoticon