Ang Langgam at ang Tipaklong - Second Version
Isang umagang maganda ang sikat ng araw, may isang tipaklong na masayang naglalaro. Patalun-talon siya sa damuhan. Di nagtagal, dumaan ang isang langgam na karga-karga ang butil ng bigas.
"Kaibigang Langgam, bakit gawa ka nang gawa? Tingnan mo ako, masayang naglalaro. Halika, maglaro tayo at maganda ang sikat ng araw," ang anyaya niya sa kaibigang si Langgam.
"Salamat, mahal kong kaibigan, ngunit marami. pa akong hahakuting pagkain. Kailangah ko itong gawin upang kapag dumating ang tag-ulan ay may sapat akong kakainin. Sa gayon, hindi ako gugutumin."
"Matagal pa iyon. Tingnan mo't napakaganda ng sikat ng araw. Kaysarap-sarap sumayaw! Halika na," pamimilit ng tipaklong.
"Iyon na nga. Maganda ang sikat ng araw kaya dapat tayong magtipon ng pagkain," at nagpatuloy ang langgam sa paglakad. Naiwan ang tipaklong na patuloy na naglalaro sa damuhan. Maghapon siyang sasayaw-sayaw at pakanta-kanta.
Sumapit ang tag-ulan. Walang makain si Tipaklong. Naisip niya ang kaibigang langgam. Marami itong tinipong pagkain.
Isang gabi habang naghahapunan ang langgam, nakarinig siya ng marahang katok sa pintuan. Binuksan niya ang pinto.
"Ako'y nagugutom at giniginaw. Para mo nang awa, kahit kaunting pagkain ako'y iyong bigyan," ang pagsusumamo ni Tipaklong.
Naawa ang langgam sa kaibigan. Pinatuloy niya ito. Humanga si Tipaklong sa dami ng pagkaing naitabi ni Langgam.
"Salamat, kaibigan. Ngayon ay alam ko na ang sinasabi mo na habang maganda ang panahon ay dapat magtipon. Hindi katulad ko na walang ginawa kundi sumayaw-sayaw sa panahon ng tag-araw," ang wika ni Tipaklong.
"Huwag ka ng mag-alala. Marami akong pagkain. Heto kumain ka na. Ang mahalaga ay natuto ka na sa iyong pagkakamali," ang may kababaang-loob na sagot ni Langgam.
Nahihiyang kumain si Tipaklong. Masaya naman si Langgam sa nakikita niyang pagbabago ng kaibigan.
Sign up here with your email
ConversionConversion EmoticonEmoticon