Print Friendly and PDF

Emilio Aguinaldo

Emilio Aguinaldo


Unang Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas (Hunyo 12, 1898 - Marso 23, 1901)


Isinilang: Marso 26, 1869 sa Kawit Cavite
Mga Magulang: Carlos Aguinalod at Trinidad Famy
Asawa: Una: Hilaria del Rosario
Ikalawa: Maria Agoncillo
Namatay: Pebrero 6, 1964 sa Lungsod ng Quezon sanhi ng atake sa puso


Emilio AguinaldoSi Emilio Aguinaldo y Famy (Marso 22, 1869 – Pebrero 6, 1964) ay ang kauna-unahang Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Siya ay isang Filipinong heneral, pulitiko, pinuno ng kalayaan at bayanina nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas.


Ikapito sa walong anak nina Carlos Aguinaldo at Trinidad Famy, si Emilio ay ipinanganak noong ika-22 ng Marso 1869 sa Cavite Viejo (Kawit ngayon), Cavite. Bukod sa kanyang ama na gobernadorcillo (alkalde ng munisipal) ng bayan, ang kanyang pamilya, na kabilang sa mga Chinese-mestizo, ay masaya sa kanilang komportableng buhay.


Bilang isang bata, si Miniong (kaniyang palayaw) ay tinulungan ng kaniyang tiyahin na makapag-aral at siya'y pumasok ng elementarya sa bayan. Noong 1880, siya ay nag-aral ng sekundarya sa Colegio de San Juan de Letran. Nang namatay ang kanyang ama noong siya ay nasa ikatlong taon, umalis si Aguinaldo sa paaralan at umuwi sa kanila upang makatulong sa kanyang nabiyudang inang sa kanilang mga sakahan.


Sa edad na 17, inihalal siyang Cabeza de Barangay (pinuno ng barangay) ng Binakayan, ang pinaka-progresibong baryo ng Cavite El Viejo. Hawak niya ang posisyon na ito ng walong taon. Noong 1893, ang Batas Maura ay naipasa upang ayusin ang pamahalaan sa mga kabayanan sa mga layuning gawin ang mga ito na mas epektibo at nagsasarili. Simula 1895, pinalitan ang tawag sa pinuno ng bayan mula gobernadorcillo ay naging Kapitan ng Munisipal. Noong ika-1 Enero 1895, si Aguinaldo ay inihalal na pinuno ng bayan.


Noong 1896, si Aguinaldo ay nagpakasal kay Hilaria del Rosario ng Imus, Cavite. Sila ay nagkaroon ng limang anak (Miguel, Carmen, Emilio Jr, Maria at Cristina). Noong 1930, siyam na taon matapos mamatay ng kanyang asawa, si Aguinaldo ay nagpakasal sa kanyang ikalawang asawang si Maria Agoncillo, pamangking babae ng Don Felipe Agoncillo, isang diplomatiko.

Previous
Next Post »