Print Friendly and PDF

Gloria Arroyo

Gloria Arroyo


Ikalabing-apat na pangulo ng Republika ng Pilipinas (Enero 20, 2001-Hunyo 30, 2010)


Isinilang: Abril 5, 1947 sa San Juan, Rizal
Mga magulang: Diosdado Macapagal, Sr. at Evangelina Macaraeg
Asawa: Atty. Jose Miguel T. Arroyo


Gloria ArroyoSi Maria Gloria Macapagal-Arroyo (ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal noong Abril 5, 1947) ay ang ikalabing-apat na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Enero 20, 2001 - Hunyo 30, 2010). Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosdado Macapagal.


Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong 1987, na naglingkod bilang pangalawang kalihim atundersecretary ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya sa pag-talaga sa kanya ni Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang senador mula 1992 hanggang 1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni Pangulong Joseph Estrada kahit na ito ay tumakbo sa kalabang partido. Pagkatapos maakusahan si Estrada ng korupsyon, nagbitiw siya sa posisyon niya bilang gabinete bilang kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunladat sumali sa lumalaking bilang ng mga oposisyon sa Pangulo, na humarap sa paglilitis. Si Estrada ay napaalis sa pwesto sa pamamagitan ng tinatawag ng mga tagapagtaguyod nito bilang mga mapayapang demonstrasyon sa lansangan ng EDSA, ngunit binansagan namang ng mga kritiko nito bilang pagsasabwatan ng mga elitista sa larangan ng politika, negosyo, militar at ni Obispo Jaime Kardinal Sin ng Simbahang Katoliko [1]. Si Arroyo ay pinanumpa bilang Pangulo ng noon ay Punong Mahistrado na si Hilario Davide, Jr. noong Enero 20, 2001 sa gitna ng lipon ng mga tao ng EDSA II, ilang oras bago nilisan ni Estrada ang Palasyo ng Malakanyang. Siya ay nahalal upang maupo bilang pangulo sa loob ng anim na taon noong kontrobersyal na eleksyon ng Pilipinas noong Mayo 2004, at nanumpa noon Hunyo 30, 2004.


Si Pangulong Arroyo ay isinilang na Maria Gloria Macapagal ng pulitikong Diosdado Macapagal, at ng kanyang asawa, Evangelina Macaraeg Macapagal. Siya ay kapatid ni Dr. Diosdado "Boboy" Macapagal, Jr. at Cielo Macapagal-Salgado. Nanirahan siya sa Lubao, Pampanga noong unang mga taon niya kasama ang kanyang dalawang nakatatandang kapatid mula sa unang asawa ng kanyang ama.[2]Sa edad na apat, pinili niyang manirahan sa lola niya sa ina, sa Lungsod ng Iligan. Noong 1961, nang si Gloria ay 14 na taon gulang pa lamang, ang kanyang ama ay nahalal na pangulo ng Pilipinas. Lumipat siya kasama ang kanyang pamilya sa Malakanyang sa Maynila. Nag-aral siya ng elementarya at sekundarya sa Assumption College at nakapagtapos na valedictorian noong 1964. Pagkatapos ay nag-aral si Gloria ng dalawang taon sa Walsh School of Foreign Service ng Georgetown University sa Washington, D.C. na kung saan ay naging kamag-aral niya noon ang magiging pangulo ng Estados Unidos na si Bill Clintonat napanatili ang pangalan nito sa talaan ng Dekano. Nakuha niya ang kanyang Batsilyer sa Arte sa Ekonomiks mula sa Assumption College, na kapagtapos na magna cum laude noong 1968. Noong 1968, napangasawa ni Gloria ang isang abugado at negosyanteng siJose Miguel Arroyo na tubong Binalbagan, Negros Occidental, na nakilala niya nang siya ay nasa kanyang kabataan pa lamang.[2] Sila ay may tatlong anak, sina Juan Miguel (1969), Evangelina Lourdes (1971), at si Diosdado Ignacio Jose Maria (1974). Ipinagpatuloy ni Gloria ang kanyang pag-aaral at nakuha ang Master na degree sa Ekonomiks mula Ateneo de Manila noong 1978 at ang Doctorate nadegree sa Ekonomiks mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1985.[5] Mula 1977 hanggang 1987, humawak siya ng mga posisyon sa pagtuturo sa iba't ibang mga paaralan, gaya ng Unibersidad ng Pilipinas at Ateneo de Manila.

Previous
Next Post »