Benigno Aquino III
Ikalabing-lima na pangulo ng Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 2010 - Hunyo 30, 2016)
Isinilang: Pebrero 8, 1960 sa Maynila
Mga magulang: Benigno Aquino, Jr. at Corazon Aquino
Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino, III (ipinanganak noong Pebrero 8, 1960) na mas kilala sa palayaw na Noynoy Aquino o sa tawag na P-Noy ay ang ikalabing-limang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 2010 hanggang kasulukuyan) . Noong Hunyo 30, 2010, matagumpay siyang umakyat sa puwesto sa tulong ng kanyang Transition Team. Siya ang nag-iisang anak na lalaki ng dating Senador Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquino may mga kapatid rin siya na sina Maria Elena “Ballsy” Aquino-Cruz, Aurora Corazon “Pinky” Aquino-Abellada, Victoria Eliza “Viel” Aquino-Dee at Kristina Bernadette “Kris” Aquino. Siya rin ay dating Kongresista at Senador ng Bansang Pilipinas. Habang pangulo, kilala sa sa katawagang "P-Noy" na ngangahulugang "Pangulong Noynoy".
Nagwagi siya sa Pagka-pangulo at nakakuha ng 15,208,678 na boto. Noong Hunyo 9, 2010, naiproklama na si Noynoy bilang Pangulo ng Pilipinas kasama si Jejomar Binaybilang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Sila ay naiproklama sa Batasang Pambansa,Quezon City, Kongreso ng Pilipinas.
Sign up here with your email
ConversionConversion EmoticonEmoticon