Rodrigo Duterte
Ikalabing-anim na pangulo ng Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 2016 - Present)
Isinilang: Marso 28, 1945, sa Maasin (na ngayon ay kabisera ng Timog Leyte ngunit dati ay bahagi ng insular province ng Leyte sa Komonwelt ng Pilipinas)
Mga magulang: Vicente Duterte at Soledad Roa
Asawa: Elizabeth Zimmerman
Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte (ipinanganak noong Marso 28, 1945), kilala rin sa kanyang bansag na Digong, ay isang Pilipinong abogado at pulitiko na kasalakuyang naninilbihan bilang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas. Siya ang unang naging pangulo na mula sa Mindanao.
Si Duterte ay isa sa mga pinakamatagal na nanilbihang alkalde sa Pilipinas at naging alkalde ng Lungsod ng Davao, isang "highly urbanized city" sa kapuluan ng Mindanao nang pitong termino, o mahigit 22 taon. Nagsilbi rin siyang bise-alkalde at kongresista ng lungsod.
Si Duterte ay isinilang noong Marso 28, 1945, sa Maasin (na ngayon ay kabisera ng Timog Leyte ngunit dati ay bahagi ng insular province ng Leyte sa Komonwelt ng Pilipinas). Ang ama niya na si Vicente G. Duterte ay isang abogadong Sebwano at ang kaniyang ina na si Soledad Roa, isang katutubo ng Cabadbaran, Agusan, ay isang guro at civic leader na Maranaw. Ang ama ni Duterte na si Vicente, bago maging gobernador ng lalawigan ng (na dáting hindi magkakahiwalay) na lalawigan ng Davao, ay naging acting mayor ng Danao, Cebu.
Noong Mayo 30, 2016, hinalal ng ika-16 na Kongreso ng Pilipinas si Duterte bílang President-elect ng Pilipinas matapos nitong manalo sa opisyal na bilangán ng mga boto ng Kongreso ng Pilipinas noong Mayo 27, 2016, na may 16,601,997 boto, mas mataas nang 6.6 milyon kaysa sa kaniyang pinakamadikit na katunggaling si Mar Roxas.
Sign up here with your email
ConversionConversion EmoticonEmoticon